Linggo, Oktubre 13, 2013

Reflection:


Marami akong natutunan sa pag OJT ko, hindi lamang kaugnay sa aking kurso kundi pati na rin sa ibang aspeto. Sa ilang buwan na pag obserba sa aking pinagtatrabahuan marami akong mga napansin na mga dapat ikilos ng isang empleyado sa loob ng opisina at kung paano itrato ng isang empleyado ang nakatataas sa kanya. ang isang empleyado ay dapat magbigay respeto sa kanyang "boss", kung ano ang dapat iutos ng boss ay dapat sundin. At higit sa lahat ay unahin dapat ang boss sa anu man na bagay.

Kung may mga pinapagawa naman ay dapat tapusin sa oras ng deadline upang hindi maipon ang mga gagawin sa loob ng opisina. Sa tuwing may makakasalubong na nakatataas o ibang empleyado ay dapat batiin bilang pagpapakita ng paggalang. Sa araw araw na pag pasok ko ay dapat palaging sakto sa oras at bawal maging late. At kung minsan pag tapos na ako sa mga pinagawa sa akin ay kusa na ako ang lalapit sa ibang empleyado at tatanungin ko sila kung kelangan nila ng tulong sa ibang gawain.
October 8, 2013

Tumulong ako sa pag kuha ng mga nito sa bodega para sa gagawin na props sa darating na fiesta.


October 9, 2013

Tumulong ako maghapon sa paghabi ng mga talahib para gawing dekorasyon sa entablado para sa darating na fiesta.


October 10, 2013

Tumulong ako mghapon sa pagtahi ng mga talahib sa nito na hugis pabilog para dagdag sa gagawing dekorasyon.

October 11, 2013

Huling araw ng ojt, nakakalungkot at aalis na kami at sakto rin na may defense kami ngayon.

Lunes, Oktubre 7, 2013

October 7, 2013


tumulong ako sa pag encode at sa pag bigay ng ideya tungkol sa desinyo sa stage para sa nalalapit na town fiesta ng manito.

Linggo, Oktubre 6, 2013

October 1 2013

pianencode naman uli ako ng sa brgy. profiles. new assignment na naman

october 2,2013

continuation parin ng pina-encode sa akin.

october 3,2013

natapos ko na maencode ang sa mga brgy, profiles

october 4, 2013

wala masyado pinagawa kung kaya upo lang maghapon.

Lunes, Setyembre 30, 2013

September 30, 2013


tulong lang sa mga ginagawa sa opisina kasi wala naman pinapaencode at kung may free na oras gawa din ng thesis.

September 23,2013

tulong mgphotocopy ng documents

September 24,2013

naglinis naman sa opisina.

September 25,2013

encode naman uli nung sa mga survey

September 26,2013

tulong lang sa gawain sa opisina, kung walang ginagawa ay ginagawa ko muna ang sa thesis namin.

September 27, 2013

encode lang ng mga pinapaencode na mga files

September 16-20,2013

hindi ako pumasok sa work ngayon kasi nag attend ako sa BU-WEEK at sumali para sa soccer game.
September 11, 2013


Wala maxadong pinagawa kaya linis at hugas lang ng pinggan.


september 12,2013

asikaso naman sa thesis kasi wala man pinagawa, nakaupo lang maghapon.

september 13,2013

edit edit ng codes sa thesis habang nasa opisina. tapos minsan inuutusan lang pag magpapirma.

Lunes, Setyembre 9, 2013

September 10,2013

maraming pinaencode sa akin na mga forms kaninang umaga tapos nakalibre din ng kain kasi nagkaron ng budget hearing sa hall ng munisipyo. pagkahapon naman ay patuloy naman sa pag encode.
September 9, 2013

Nung umaga nagheld ng rosary sa munisipyo, nung hapon naman ay nagheld ng misa pakatapos ng misa ay tumulong ako sa pag serve ng pagkain sa mga bisita at employee. pati rin kami nakasabay sa kainan. ang saya! hehe

Linggo, Setyembre 8, 2013

September 3, 2013

Hindi naman masyado busy sa opisina, tuwing umaga kelangan muna maglinis at maglampaso.
Intrams namin nung sept. 4,5,6.


september 4,2013

 hindi ako nagattend ng intrams ng 4 and 5 kasi inuna ko na muna ang sa ojt ko dahil sa sayang naman ng oras eh hindi naman ako sasali sa mga laro.

september 5, 2013

linis lang ng opisina at hugas ng mga baso at plato


september 6 2013

 friday nag absent ako dahil sa last day ng intrams at nanuood ako ng laro ng iba kong classmates.

Huwebes, Agosto 29, 2013

August 27, 2013

Holiday ang august 26 kung kaya't may isang araw na pahinga. 27 araw ng martes balik opisina naman at syempre hindi mawawala sa gawain ang paglinis at paghugas. may ibang araw na wala masyadong pinapagawa kung kaya't maghapon nakaupo.


august 28,2013

tulong din sa pag encode ng mga request.

august 29,2013

inutusan din ako sa pag papirma ng mga documento sa ibat ibang opisina.

august 30,2013

 walang pinapagawa kaya nagsusulat ako ng mga journal sa papel. ngayon lang ako nakasulat ng journal kasi hindi naman ako nakakapag internet sa legazpi kasi dalawang araw lang ako dun at sa dalawang araw marami rin akong inaasikaso. kung kaya pag balik ng manito ay dito lang ako nakapag encode ng sa journal.
August 22, 2013

Dahil sa holiday ng 21, nakapag pahinga ng isang araw.  pakarating sa opisina kelangan na magwalis, maghugas ng mga baso na ginamit tuwing hapon kung kaya't pag umaga saka palang huhugasan. pina-encode rin ako ng mga vision at mission ng barangay para isabay sa CBMS.


August 23, 2013

encode ulit ng mission vision para maipasa na.
August 19, 2013

Nag edit ng mga data sa mga barangay na nakalagay sa CBMS.


august 20, 2013

nag edit lang ng mga data sa mga table na survey.
August 16, 2013

Naglinis ng opisina pakarating, at hugas ng mga baso. nagencode ng mga histoty ng barangay.

Huwebes, Agosto 15, 2013

August 12, 2013

             ginagawa ko ang pinagawa sa akin, encode maghapon dahil sa marami-rami ang gagawin, at pag may oras pahinga rin kasi masakit sa ulo pag nakababad sa laptop,sa friday kasi ang deadline ng ginagawa ko.

August 13, 2013

encode lang ng sa templates ng statistics ng bawat barangay.

August 14, 2013

encode ulit sa ibang template. at dapat na tapusin ang limang templates.

August 15, 2013

submission ng mga pinagawa na templates sakin tungkol sa mga survey sa ibat ibang barangay.
August 7, 2013

               ganoon parin ang systema sa opisna pakarating kailangan maglinis pakatapos ay mg igib ng tubig na inumin at isip-isip din sa interface pag may time:)

August 8, 2013

encode lang ng interface habang wala pa pinapagawa.


August 9, 2013

tulong din sa pag arrange ng mga documents sa opisina
August 6, 2013

                pagdating sa opisina naglinis muna tapos nag-igib ng tubig. Pag wala masyadong pinagawa ginagawa ko muna ang sa log in interface ng system namin.

Lunes, Agosto 5, 2013

August 5, 2013

               lunes na naman at kelangan mag flag ceremony. pakatapos magflag ceremony ay nag-igib ako ng tubig inumin. Nilagyan ko rin ng cover ang lamesa na gagamitin ko. tapos maghapon naman sa opisina nakaupo at encode.

Linggo, Agosto 4, 2013

August 2, 2013

               Nauna na naman ako dumating sa opisina, kapag nauuna ako obligado na naman akong mag linis, maghugas at maglampaso.hehe. tapos noong hapon ay nag general cleaning kami, inayos namin ang pakalagay ng mga lamesa, para new look naman daw. maaga akong umuwi pag biyernes dahil laging puno ang jeep tuwing biyernes.
August 1, 2013

               Pagkarating na pagkarating ko sa opisina ay naglinis agad ako, pagkatapos ay naglampaso naman dahil sa medjo maalikabok na rin ang sahig at naghugas naman ng mga plato at baso. tumulong din ako sa pagcompile ng mga dokumento at nung hapon ay pinasulat ako sa log book tungkol sa mga zoning certificate.
July 31, 2013

             Pagdating ko sa opisina naglinis na naman at sa tuwing may mga hugasan na baso at plato ay himuhugasan ko. Maghapon nakaupo at kung minsan ay nag encode din.
July 30,2013

            Kami lang dalawa ng kasama kong empleyado ngayon sa opisina kasi wala ang head namin at ang dalawa pa naming kasama dito, wala maxadong ginawa kung kaya maghapon lang nakaupo.

Linggo, Hulyo 28, 2013

July 29, 2013

Pagdating namin sa munisipyo ay nagflag ceremony muna kami at pakatapos ay nag-igib ako ng tubig, pakatapos ay nag-encode ng mga pinapaencode dito sa opisina.
July 23, 2013

pinaghahandaan namin ang proposal defense namin na gaganapin sa biyernes.

july 24

nakaupo lang sa opisina wala masyado ginagawa kaya hanap din ng tutorial sa internet tungkol sa pag program.

july 25

edit din sa mga chapters ng thesis

july 26

Pagdating ng biyernes ay naging maayos naman ang proposal defense namin. medjo kinabahan din naman kami. pinaghandaan din naman namin ng mabuti ang mga defense namin kung kaya't nakakasagot din kami sa mga tanong ng aming mga panel.

July 22, 2013

Wala naman masyadong ginawa sa opisina pag biyernes kung kaya't inasikaso na muna namin ang thesis namin dahil sa malapit na ang proposal defense at kelangan na namin maghanda. Humingi pa kami ng mga karagdagang "Forms" at mga impormasyon. Maaga kaming umuwi dahil sa mag aabsent kami bukas hanggang huwebes para asikasuhin muna ang thesis, ngpaalam muna kami sa mga nkakataas sa opisina upang makaabsent kami nang apat na araw.


Huwebes, Hulyo 18, 2013

July 19, 2013

Nauna akong dumating sa opisina namin, himala at wala pa sila.hehe, ni minsan ay hindi ako naging late sa pag pasok. pwede pang mangyari na ako ang mauna.haha XD pagkarating syempre nagwalis at pagkailang sandali ay dumating narin ang isang empleyado ng opisina namin. Wala ang head namin ngayon kung kaya gumawa na lang ako ng interface ng system namin.



 July 18, 2013

 Pagdating kaninang umaga ay naglinis agad ng opisina at sakto dumating ang head namin, bigla naman siya nagulat,hehe, pakatapos ay naghugas ako ng mga pinggan, nung umaga gumawa ako ng DFD ng thesis namin kasi wala naman ginagawa. tapos ng igib ng tubig inumin inumin. hindi na ako maghihintay pa ng mga inuutos pa, himala at nagjoke yung head namin, akala ko ay seryoso siyang tao, hindi naman pala, kung anu-anu lamang ang mga pinagsasasabi ng head namin na nakakatawa kung kaya't laugh trip kami dito sa opisina. at nung hapon,maghapon din nakaharap sa laptop kung kaya't sumakit din ang ulo ko pati mata. Nakakainis umulan, wala pa naman akong payong.:(

Martes, Hulyo 16, 2013

July 17,2013

 Wala ngayon ang aming head dahil sa may meeting ito, medjo nakakarelax kami ngayon sa opisina at habang walang pinapagawa ay ginagawa ko naman ang sa thesis namin. noong umaga nakalibre ako ng snack dahil sa nagluto sila ng kamote at binigyan naman nila ako. syempre grasya na rin yun kaya sabi nga nila grab the opportunity.hehe XD oh diba? tapos maghapon naman nakaupo sa harap ng desktop computer.
July 16, 2013

 Wala maxadong ginagawa sa opisina kung kaya't gumagawa ako maghapon ng interface ng aming prototype muna na system. Medjo inaantok din ako pero kailangan dapat na hindi makatulog kung hindi ay mapapagalitan ako.hehe, pagod pa kasi ako kahapon dahil sa pagcelebrate ng aking kaarawan, speaking of kaarawan. Hindi ako nakapasok sa work dahil nag absent muna ako dahil may ipinasa kami sa aming PA at nung hapon ay nagcelebrate na ako sa aming boarding house.
July 8,2013

 Pagkarating na naman sa opisina naglinis naman ulit syempre hindi tlga maaalis yan sa listahan ng gawain ko.hehe, maraming mga tao ang labas-pasok sa opisina dahil sa mga transaksyon na inaasikaso nila dito sa aming opisina. tuwing hapon kung may oras ay nag uusap usap kami ng mga kagrupo ko tungkol sa thesis namin. ang iba sa amin ay kumakalap ng mga impormasyon, kung uwian na wala na masyadong pinapagawa kaya kung minsan nakakapagpahinga sa opisina. ang iba nag-uusap usap at nakakapag internet.


july 9,2013

tulong lang magwalis, mag igib ng tubig at mag lampaso ng sahig.

july10,2013

wala naman pinagawa sa araw na to kaya asikaso na muna sa thesis.

july11,2013

nagdata gather muna ako pag walang pinapagawa sa opisina

july12,2013

observe sa ginagawa na mga pag request ng item at tanong din para sa dagdag na impormasyon.
July 2,2013

Wala naman masyadong pinapagawa sa akin kasi medjo busy din sila sa mga plano sa baranggay kung kaya't nakaupo lang ako sa harap ng computer at inaanalisa ang mga data at minsan inoobserbahan ko rin ang mga ginagawa nila para sa susunod ay alam ko na rin ang mga ginagawa nila.


july 3, 2013

 Maghapon na naman nakaharap sa computer para mag encode, baka sa hindi katagalan ay kainin na ako ng computer.hehe XD
July 1, 2013

Pagkarating sa opisina ay naglinis agad ako, pagkatapos ay inasikaso ko na naman ulit ang mga pinagawa sa akin na paglilipat ng mga data. nakakapagpahinga naman din kami dito minsan kung hindi masyado marami ang pinapagawa at lalo na kung wala ang head namin.hehe, medyo strikto din kasi, pero mabait naman.:)

Linggo, Hulyo 14, 2013

June 28, 2013

Pangatlong araw ng ojt, maaga na naman nakarating sa opisina at syempre pagkarating 
naglinis at nghugas na naman asusual.hehe,hindi masyado maraming pinapagawa sa opisina kung kaya't pagwala sa akin pinapagawa, tinutulungan ko ang ibang empleyado sa pag encode at hindi narin naghihintay
pa ng mga ipapagawa. at ganoon na naman maghapon nakaupo sa opisina.
June 27,2013

Pangalawang araw sa ojt, medyo nakaadjust na rin ako kahit papaano. Aga kong nakarating
sa opisina.  Pagkarating ko nagwalis agad at naglampaso para maging malinis yung opisina, parang janitor lang sa opisina nuh? hehe, pakatapos mglinis ay naghugas naman ng mga basong ginamit dito, kung hindi janitor, waiter naman dba?, hehe, at ganoon parin maghapon nakaupo, gumagawa ng pinapagawa ng head namin.
 June 26, 2013

Unang pasok namin sa ojt, medjo kabado at halong excited din sa unang araw. Pagkarating namin sa munisipyo, iniasign agad kami ng supervisor namin sa opisinang  papasukan namin. Sa una nakakaramdam ako ng hiya kasi hindi pa naman masyado sanay sa ganoong bagay, sa unang impresyon ko sa aking head ay parang strikto pero sa totoo mabait naman pala. Unang sabak palang sa opisina ay may pinagawa agadd sakin, ang babait ng mga kasama ko na employee dun at malugod nila akong tinanggap sa opisina nila. masayahin ang mga tao doon at palagi din umuulan ng grasya dun kaya hindi makakaramdam ng gutom ang mga tao doon dahil oras oras ay may pagkain. Tuwing lunch break sama kami kumakain ng classmate ko, kapag hindi pa naman 1 pm may oras pa kami makatambay sa park pakatapos ay babalik na sa opisina at maghapon lang nakaupo hanggang matapos ang oras ng trabaho.