Reflection:
Marami akong natutunan sa pag OJT ko, hindi lamang kaugnay sa aking kurso kundi pati na rin sa ibang aspeto. Sa ilang buwan na pag obserba sa aking pinagtatrabahuan marami akong mga napansin na mga dapat ikilos ng isang empleyado sa loob ng opisina at kung paano itrato ng isang empleyado ang nakatataas sa kanya. ang isang empleyado ay dapat magbigay respeto sa kanyang "boss", kung ano ang dapat iutos ng boss ay dapat sundin. At higit sa lahat ay unahin dapat ang boss sa anu man na bagay.
Kung may mga pinapagawa naman ay dapat tapusin sa oras ng deadline upang hindi maipon ang mga gagawin sa loob ng opisina. Sa tuwing may makakasalubong na nakatataas o ibang empleyado ay dapat batiin bilang pagpapakita ng paggalang. Sa araw araw na pag pasok ko ay dapat palaging sakto sa oras at bawal maging late. At kung minsan pag tapos na ako sa mga pinagawa sa akin ay kusa na ako ang lalapit sa ibang empleyado at tatanungin ko sila kung kelangan nila ng tulong sa ibang gawain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento